7.27.2012

"Di bilang kalakal o tropeo"

Panunturan ng laro para sa mga lalaking iibig sa mga babaeng-babae
Giaconda Belli

Ang lalaking iibig sa aki'y
dapat marunong humaplos sa kurtina ng balat,
makita ang pangkaraniwan kong mata
at makilala yaong namumugad sa akin,
ang transparenteng maya ng paglalambing.

Ang lalaking iibig sa aki'y
di ako iibigin bilang isang kalakal
o kaya'y ipagyayabang bilang isang tropeo,
mananatili sa aking piling taglay ang pag-ibig kong
nadarama kapag siya'y kapiling.   
---

Part of the Tulaan sa Tren series by the Instituto Cervantes. 

Tagalog is such a beautiful language, it goes perfectly with train rides. These Spanish poems translated in Tagalog have transformed the LRT riding experience (well, for me at least). <3

No comments:

Post a Comment